Porcelain Mask

The truth hurts yet liberates, so they say.
You’re the only one who’ve pained me this way.
You saw the rottenness, namely, my face.
My heart was upset, I clammed up for days.
I cried in anger for not getting my way.
My self was wounded, my pride has been slain.
There were times I am tempted to betray.
But I cried most in fear you’ll run away.

Advertisements

Ito na nga ba?

Ito na yata yung pakiramdam na gusto mong suportahan ang isang tao sa mga pangarap niya. Gusto mo siyang alalayan at samahan sa bawat hakbang na gagawin niya. Kapag iniisip mong araw-araw siyang nagsisipag, nagkakaroon ka rin ng inspirasyong pagbutihin ang ginagawa mo.

Ito yung pakiramdam na gusto mo siyang batuhin at sampalin sa sobrang inis dahil may hindi ka gustong ugali o desisyon niya ngunit oras na maglambing siya, maaalala mo rin yung mga dahilan bakit mo siya pinanindigan. Medyo tanga lang kasi makakalimutan mo kung bakit ka nagagalit.

Ito na rin yung pakiramdam na hindi ka makatulog dahil hindi mo malimutan kung gaanong katamis at kaalab siyang humalik. Kahit bugbog na yung tenga mo kakarinig ng papuri ang puso mo naman ay hindi magsawa. Nais mong matulog sa yakap niya. Nais mo lang laging hawakan ang kamay niya.

Ito nga yung pagtataka kung bakit nagagawa mo ang mga bagay na imposible sa karakter mo. Tumatapang ang mahihina ang loob, malambing ang malamig, mapagpasensiya ang hindi matiisin. Kahit lubusang salungat ang inyong ugali, napagbubuklod kayo ng pakikibagay, ng kompromiso. Natututo kang umaruga, umunawa, manindigan, magtanggol.

Hindi mo na maintindihan kung nasaan ang hangganan, dahil ayaw mo na itong magkahangganan pa.

Ito ang pagbibigay na hindi umaasa ng kapalit. Mawala man ang lahat sa iyo, makita mo lang siyang masaya ikaw na ang pinakapinagpalang tao sa mundo. Kahit mahirapan ka pa o madusta kaya mo basta para sa kanya. Kahit malabo at nakakatakot ang kinabukasan, ito ay nagiging malinaw at handa mo itong suungin kung kasama mo siya… at alam mong kahit ano pa ang mangyari, sa ginhawa o gipit, sa sarap at pait, ikaw ay mananatili sa kanyang tabi.

Ito pala iyon. Ito pala ang pag-ibig.

Pasko? Anong Pasko?

“Seryoso? Bisperas na mamayang gabi?”

Ito ang una kong naisip pagkapasok ko sa trabaho ngayong araw, Disyembre beinte-kwatro, ang unang taong malayo ako sa pamilya ko. Sabi nga nila, kathang-isip lang ng tao ang Pasko, dahil sa totoo lang wala naman talagang sinabing eksaktong petsa kung kailan pinanganak ang ating Panginoon. Sa totoo lang, sinasabi ng mga iskolar na mukhang tag-init pa siya iniluwal bilang tao. Kaya nga gayon na lang ang pagtanggi ko sa sarili ko na Pasko na nga mamaya pagkagat ng madaling-araw. Ngunit hindi ko naman kailangang pilitin pang gawin ito; wala namang hayagang babati sa’yo ng “Merry Christmas” sa bansang ito bukod sa mga tao (yaon, ang mga Pinoy) na nakakagunita… tulad ng isang senior ko na namigay ng regalo para sa lahat.

Noong mga nakaraang araw, nababalisa ako, wala sa hulog magtrabaho. Nasabon nga ako dahil hindi ko makuhang kumilos nang ayos ng araw na yon. Tinanong ako kung may problema, o baka Christmas blues daw ang nararanasan ko. Yung tipong dahil unang beses mawalay sa Pilipinas, hinahanap-hanap yung mga masasayang mga kaganapan doon. Sa isang banda, may realidad sa sinabi niya: nagtataka ako madalas kung bakit kahit mas simoy-Pasko sa Saudi e tuyot na tuyot ang pakiramdam ko. Tahasan kong sinabi na wala akong nararamdamang ganon; may lagnat ako kinagabihan kaya masakit ang ulo ko at hindi makapagpokus. Totoo lang nagtataka ako kung bakit wala akong maramdamang pagka-homesick samantala yung mga kasabayan ko ay panay shoutout na miss na miss na nila ang Pilipinas. Nagtataka ako… sadyang manhid na yata ako. O sadyang nilalayo ko lang ang sarili ko  mula sa ganoong emosyon, sapagkat nakakapanghina kung hahadlangan ako ng mga ganoon.

Tuloy ang buhay; matindi ang naging allocation ko sa araw na ito, sa tindi ay ala-una y medya na ako nananghalian, at wala pang beinte minutos ko inubos ang baon ko. Sa huling isang oras ng aking trabaho, patuloy na nagri-ring ang telepono ko na siyempre naka-silent mode. Natapos ako isang oras higit sa aking nakatakdang pag-alis. Sa paglakad ko papuntang bus stop at nilalasap ang klimang lubhang mas nakakaantok pa kaysa Baguio, natanto ko na alas-dose na pala sa Pilipinas. Pagtingin ko sa telepono, nakarami na ng missed call ang ilang mga numero, malamang galing sa mga kaibigan o kaya sa nanay ko. Tinawagan ko, pero busy na. May panghihinayang na kumurot sa dibdib ko, pero hindi na bale, dahil wari ko na pag-uwi ay makakausap ko rin sila gamit ang Facebook o Skype.

Pag-uwi ko, gumaan ang pakiramdam ko nang may nakita akong nakahain sa lamesa. Ayos. Kara-karaka kong kinatok ang nasa kabilang kwarto at binati siya ng “Maligayang Pasko”. Natuwa ako dahil kausap niya ang kasintahan niya sa Skype. Tinanong ko kung nasaan ang iba naming kasama, ang sabi niya may kanya-kanyang lakad, at ani niya nakakain na siya kaya kumain na lang ako doon sa sala. Ayos talaga. Uso na pala ngayon ang self-service Noche Buena.

Pero pasalamat na lang talaga at may internet na ngayon! Ano na lang ang gagawin ko kung nabubuhay tayo sa panahon ng telegrama? Kaya sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako maho-homesick dahil sa teknolohiyang ito; sabik kong binuksan ang Facebook. Ayos, online ang dalawang kapatid ko; may pag-asang makabati at makipagkulitan. Ngunit nang hindi sila sumagot sa tawag ko makaisa, makalawa, at makaitlo ay naramdaman ko na ang bagay na nakakapagpahina sa matatag na determinasyon ng mga OFW: ang pag-iisa. Sabay bira ng “Another Christmas” ng Kinki Kids (isang Hapones na mang-aawit):

Here’s another Christmas all alone… Christmas on my own.

Sa unang pagkakataon, humambalang sa akin ang katotohanang wala nang mas nag-iisa pa sa akin. Nasa bingit na ako ng pagluha habang kinuha ko ang 7-up na binalato sa akin ng kaibigan ko sa kabilang kwarto, bago niya sabihing matutulog na siya. Sumunod sa pag-iisa ay ang pagkahabag sa sarili; walang siwang ang aking iskedyul para sa ganitong okasyon, ni wala man lang akong napamiling regalo, ni padala sa pamilya ko. Ni wala man lang akong nailuto, at ni wala man lang online para makausap ko nang maayos. Ni wala man lang nanggigising sa akin kapag tinatanghali ako ng bangon para pumasok sa umaga, ni wala man lang akong masabihan kapag punung-puno na ako sa trabaho, at ni wala man lang mag-aasikaso ng pagkain o makapagplantsa ng damit ko kapag halimbawang tinatamad at pagod na ako. Parang tubig na umagos mula sa nasirang dam ang aking mga negatibong pag-iisip, na inudyok lang ng okasyong ito. (Pesteng Pasko, bakit ka pa naimbento?) Pinunan ko na lang ang puwang na ito sa pagkain ng handa nila, na may kaakibat na pagse-senti sa pamamagitan ng paglalathala ng sulating ito at pakikinig ng “White Christmas” ng KAT-TUN (isa pang Hapones na boyband), habang sinasabi sa sarili na walang puwang ang pagiging balat-sibuyas kung gusto kong umusad, umunlad, maging magulang pa sa buhay.

Kumagat ang alas-dose… at wala akong naisip kung hindi ang matulog na. Sa totoo lang, mas napagod ako kaiisip. At sa pangatlong beses mula nang napadpad ako sa lupaing ito, tuluyan akong naiyak. Sa kahuli-hulihan, hindi pa rin tumalab ang aking mga pagrarason.

Presence of Clouds

It’s the first time I’ve seen clouds. The moment returned me to the days I lounged at our front porch mid-afternoon sipping tea. I felt like smiling as that vibrant memory was etched in my mind, later to be diffused like desert dunes crumbling under the wind’s grasps. I refocused to watch the upcoming bus.

Lately, the alien, arid environment had been giving me windburns, making this place a little more hostile than it actually is.

However, as the day ends, the clouds, the sky and its accompanying blueness reminds me that you’re never far, that I have to fight until that day I will be stronger and more worthy to face you.

I love you.

That Passerby

How will you know if an important person has come into your life?

How will you get his attention as he busily reads a Murakami book in a secluded spot in the bookstore, if only to let him know you have to READ it as well?

Who knows if he’s already sitting across you in a coffee shop?
His eyes occasionally stops at your direction, yet you weren’t looking, because you’re busy scribbling an entry in your journal… which is about him, too.

What’s even more disturbing is when he is already sitting beside you while chowing down his fourth cup of rice and grilled chicken. He talks too much for your liking, but he would stop and acknowledge how your eating pace has matched his so well. He smiles and watches you in silence, thinking of anything else to talk about. You casually call out for another serving of iced tea.

How will you know if an important person has entered your life… yet you just let him pass by?

When Things Don’t Work

There is an endless frustration, on how the heaven and earth contrives to make it rain when what you expect is sunshine. How people cannot see each other due to conflicts in schedules, the absurdity of office, just when you seek their comfort most. How you want something but the world offers you an instance which you didn’t really know how to manipulate. With the endless frustration comes the anger and depression, of wanting everything to end, of wishing you were born somewhere else.

Yet, there should be no alterations, manipulations, needed in such instances, because Lady Destiny and Mister Time were lovers who enjoyed watching you suffer just to see you grow.

Decline

Today I discerned there is no destiny or chance. Things happen because you let them.

I used to think that every chance that goes my way is something to be grabbed. There is such thing as careful selection, a noun named haste. Destiny is a hand named guidance. No does not mean a missed chance; instead it is called reconsideration of which way to take. It is wisdom.

With me not being able to say no most of time may mean not being wise.